Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Ilocos Norte nitong Huwebes ng gabi, Agosto 31, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 9:37 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 3 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Sarrat, Ilocos Norte, na may lalim na 10 kilometro.

Naramdaman ang Intensity IV sa Sinait, Ilocos Sur, at sa Pinili, Ilocos Norte.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nakataas naman sa Intensity III ang City of Laoag, Ilocos Norte; San Juan, at Cabugao, Ilocos Sur; habang Intensity II sa Bacarra, City of Batac, Paoay, Pasuquin, at Currimao, Ilocos Norte.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.