Lumakas pa ang Severe Tropical Storm Hanna habang kumikilos ito pakanluran sa Philippine Sea sa bilis na 10 kilometers per hour, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes, Agosto 31.

Sa tala ng PAGASA nitong 11:00 ng umaga, huling namataan ang sentro ng bagyong Hanna 1,160 kilometro ang layo sa silangan ng Extreme Northern Luzon, na may maximum sustained winds na 110 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong 135 kilometers per hour.

Base sa forecast track, mananatiling malayo sa kalupaan ang bagyong Hanna, kaya’t wala umano itong direktang epekto sa alinmang bahagi ng bansa.

Samantala, bahagya umano nitong pinalalakas ang southwest monsoon o habagat na magdudulot ng ilang pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon sa susunod na tatlong araw.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“The Southwest Monsoon currently enhanced by Super Typhoon SAOLA (GORING) (now outside the PAR) at this time is also being slightly enhanced by HANNA and Tropical Storm KIROGI (currently outside the PAR),” saad din ng PAGASA.

Patuloy naman umanong maghahatid ang habagat ng gusty conditions sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Aurora, Bulacan, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, at northern portion ng Eastern Visayas ngayong Huwebes at bukas, Setyembre 1.

Inaasahan umanong lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) bukas.