Nasa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Hanna ilang oras matapos lumabas ng bansa ang bagyong Goring.

Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), dakong 9:00 ng gabi nang pumasok ng PAR ang bagyong may international name na " Haikui."

Huling namataan ang bagyo 1,335 kilometro silangan ng dulo ng northern Luzon sa bilis na 15 kilometer per hour (kph), taglay ang lakas ng hanging 95 kph at bugso na 115 kph.

Inaasahang maapektuhan ng lakas ng hangin ng bagyo ang 300 kilometro mula sa sentro nito.

Sa pagtaya ng PAGASA, palalakasin ng bagyo ang southwest monsoon.

Huling namataan naman ang bagyong Goring sa 265 kilometro kanluran ng Itbayat, Batanes na nasa labas na ng PAR.