Pinalawig pa ng Commission on Elections (Comelec) hanggang sa Setyembre 3 ang paghahain ng certificates of candidacy (COCs) para sa October 30, 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Metro Manila, gayundin sa mga lugar na binayo ng super bagyong Goring.

Ayon sa Comelec, bagamat ang Setyembre 3 ay natapat sa araw ng Linggo, ay tatanggap pa rin sila ng COCs sa nasabing araw ng hanggang alas-5:00 ng hapon.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sinuspinde na rin ng Comelec ang operasyon ng kanilang mga tanggapan sa Metro Manila nitong Huwebes dahil sa tuluy-tuloy na buhos ng malakas na ulan.

“We will extend the filing of COCs in the NCR, including in the northern provinces affected by the typhoon,” anunsiyo pa ni Comelec chairperson George Garcia, sa isang Viber sa mga mamamahayag nitong Huwebes.

“Due to the suspension of Government Work on account of inclement weather, the Filing (and reception) of Certificates of Candidacy in the National Capital Region, and the Provinces of Abra and Ilocos Norte, is extended until 5:00 p.m. of September 3, 2023, Sunday," anunsiyo naman ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco.

Batay sa datos ng Comelec  hanggang nitong Agosto 30, umaabot na sa 530,449 aspirante ang nakapaghain na ng kandidatura para sa BSKE sa buong bansa.