Patay ang 15 katao, kabilang ang isang bata, matapos masunog ang isang dalawang palapag na residential-commercial building kung saan nakapuwesto ang pagawaan ng t-shirt sa Barangay Tandang Sora, Quezon City nitong Lunes, Agosto 31 ng madaling araw.

Sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), ang insidente ay naganap sa Kennedy Drive, Pleasant View Subdivision dakong 5:30 ng madaling araw.

Dakong 8:04 ng umaga nang maapula ang sunog.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Sa panayam kay BFP Regional Director Chief Supt. Nahum Tarroza, kabilang sa nasawi ang isang menor de edad na anak ng mga may-ari ng nasabing gusali.

Nagsimula umano ang apoy sa lumang opisina ng establisimyento at kaagad na gumapang sa buong gusali.

Sinabi ng opisyal na pawang stay-in ang 14 na nasawi at natagpuan ang kanilang bangkay sa labas ng kuwarto.

Kinumpirma rin ni Tarroza na walang fire safety permit at business permit ang nasabing gusali.

Hindi pa madetermina ng BFP ang sanhi ng sunog at halaga ng natupok na ari-arian.

Aaron Homer Dioquino