Sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang ₱6.3 milyong halaga ng marijuana matapos salakayin ang dalawang plantasyon nito sa Kalinga nitong Miyerkules.

Sa datos ng PDEA-Region 2, ang dalawang plantasyon ay nasa Barangay Ngibat, Tinglayan kung saan nakatanim ang 31,500 fully grown marijuana.

Kaagad na sinunog ng PDEA ang mga binunot na marijuana.

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki

Gayunman, walang nahuling may-ari ng plantasyon, ayon sa PDEA.

Matatandaang nasa ₱26 milyong tanim na marijuana ang sinunog din ng PDEA sa nasabi ring bayan nitong Agosto 25.

Dalawang plantasyong nasa 12,000 metrong kuwadrado ang sinalakay ng PDEA sa Butbut at Buscalan.