Pumalag umano ang "Television and Production Exponents Inc. (TAPE, Inc.)" sa trademark application nina Tito Sotto III, Vic Sotto, at Joey De Leon o TVJ para sa taguring "Dabarkads" na tawag nila sa kanilang mga manonood at tagasuporta.
Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, bago raw ang pag-exodus ng TVJ sa "Eat Bulaga" at TAPE, Inc. noong Mayo 31, nag-file daw ng trademark application para sa salitang “Dabarkads” ang TVJ sa Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL).
Matapos nito, inilathala ito ng IPOPHL upang maging bukas sa alinmang partidong tututol, alinsunod sa batas.
Mababasa sa Section 134 ng Republic Act 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines, “Any person who believes that he would be damaged by the registration of a mark may, upon payment of the required fee and within thirty (30) days after the publication… file with the Office an opposition to the application.”
Kaya naman, tumutol daw sa trademark application na ito ng TVJ ang TAPE, sa kadahilanang matagal na raw ginagamit ang salitang "Dabarkads" sa EB.
Matatandaang nakapag-renew rin ang TAPE para sa titulong "Eat Bulaga" hanggang 10 taon. Mag-eexpire ito sa Hunyo 14, 2023.