Trending topic ngayon sa X si Mayor Joy Belmonte dahil sa paghanga sa kaniya ng mga netizen sa umano’y pagtindig nito sa isyu sa pagitan ng siklista at ng dating pulis na si Wilfredo Gonzales sa road rage incident sa Quezon City kamakailan.
Matatandaang nauna nang nanawagan si Belmonte sa siklista na lumantad at kasuhan si Gonzales.
“We are appealing to the complainant to come forward so that Willy Gonzalez, whom I consider a menace to society, is held accountable. We want to assure the cyclist that we will extend legal assistance, as well as put him and his family in our protection, so that justice is served. I will not allow this case to be whitewashed. Maaaring natatakot ang biktima na humarap dahil ang nakatapat niya ay taga-gobyerno. Nais nating bigyang-diin na walang puwang ang karahasan sa ating lungsod,” anang alkalde sa social media post ng QC government nitong Lunes.
“This culture of impunity is not acceptable in QC and I have a duty and responsibility to maintain peace and order in our city and to send a strong message that acts such as those committed shall not be tolerated and that he must be held accountable,” dagdag pa niya.
Bago ang pahayag ni Belmonte, noong Linggo ay humarap sa press conference si Gonzales sa QC Police District headquarters sa Camp Karingal, Sikatuna Village sa tulong ni QCPD director Brig. Gen. Nicolas Torre III matapos ang kanyang pagsuko.
Bagay na tila hindi nagustuhan ng alkalde.
“I’m not a lawyer or police, but as a regular citizen, I’m outraged na siya pa ang binigyan ng platform para magbigay ng kaniyang panig. Hindi man lang siya nag-apologize. Siya pa raw ‘yung aggrieved party,” ani Belmonte sa kaniyang panayam sa Radyo 630 na naiulat ng ABS-CBN News nitong Martes, Agosto 29.
“Itong ating QCPD parang sumasang-ayon lang na para siya pa ‘yung nagsasabi ng ‘go ahead, give your side.’ It felt strange to me… There was something wrong, in my view,” dagdag pa niya.
Habang isinusulat ito, trending topic sa X (dating Twitter) si Belmonte dahil sa mga “matatapang” na pahayag at “character development” umano ng mayora, ayon sa netizens.
Umabot na sa 5,771 post ang pangalan ni “Mayor Joy.”
"Infair ha, may pangil si Mayor Joy.”
“Gustong gusto ko talaga yung character development ni Mayor Joy”
“Those 3 whole years we lost due to the pandemic, she gained so much more. We see you, Mayor Joy. We see you.”
“AARRGGHH MAYOR JOY THANK U”
“nakakatuwa talaga ang character development ni mayor joy huhu”
“You're in the right direction Mayor Joy..”
“gooo mayor joy! ipakita mo kung sino ka”
“Gp Mayor Joy! Ikulang yang son of a bitch na salot sa lipunan!”
“Salute to you Mayor Joy. We are sometimes disappointed in you especially the pandemic, but you stay and prove it. Thank you Mayor Joy
Being a Mayor in QC is no joke”
“nakakaproud si mayor joy kasi just when you thought na nagpeak na siya, hindi pa pala. GO MOTHER, GIVE US EVERYTHING”
“Go Mayora RELEASE THE KRAKEN”
“Protect Mayor Joy. Hindi ako nagkamali na iboto pa rin siya.”
“Mayor Joy Belmonte. Sanaol government officials are like her.”
“Yes mayor, ipakiya mo kung sino ang matapang, wag matakot sa mga bayarang pulis”