Isa pa sa mga ABS-CBN broadcasters na nagbigay-pugay sa yumaong GMA broadcast journalist Mike Enriquez ay ang dating co-anchor nito sa "Saksi" na si Karen Davila.
Para sa mga hindi nakakaalam, si Karen ay unang namayagpag sa GMA Network bago lumipat sa ABS-CBN. Sila ni Mike Enriquez ang unang mga news readers ng nabanggit na 15-minute newscast na eventually ay naging 30 minuto noong 1999 at nailipat sa Primetime.
"Paalam, MIKE ENRIQUEZ 🇵🇭 I first shared the anchor seat with the iconic ‘Booma’ in 1995 during GMA7’s election coverage, then Saksi’s 15 min newscast to its 30 min version ‘til 1999," ani Karen sa kaniyang X post nitong Martes ng hapon, Agosto 30.
https://twitter.com/iamkarendavila/status/1696785973156466922
Inilarawan din ni Karen si Mike bilang isang katrabaho.
"Mike was a good guy. Down to earth. Funny. Magaan ka-trabaho, napakasaya kasama. I’ve always kept close to my heart what he told me, “the challenge is staying humble as you go up the ladder”
"Mike, I am forever grateful having known you. We will miss you ❤️ My heart goes out to his family."
Kalakip ng X post ang throwback photos nila ni Mike kasama ang isa pang batikang broadcaster na si Mel Tiangco at Winnie Monsod.
Matatandaang opisyal at pormal na inanunsyo ang pagpanaw ni Mike nitong Agosto 29.
Bukod sa "24 Oras" kung saan isa sa mga news anchor si Mike, pati ang katapat nitong "TV Patrol" ay nagbigay-pugay sa kaniya, sa pangunguna ni Kabayan Noli De Castro.