Ipinuslit? 202,000 sako ng imported na bigas, natagpuan sa Bulacan
Ipinuslit? 202,000 sako ng imported na bigas, natagpuan sa Bulacan
Aabot sa 202,000 sako ng pinaghihinalaang puslit na bigas ang natagpuan sa tatlong warehouse sa Bulacan nitong Miyerkules.
Gayunman, hindi pa madetermina ng Bureau of Customs (BOC) kung magkano ang halaga ng nasabing bigas.
Ang nasabing hakbang ay alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong Martes na paigtingin pa ang pagsalakay sa mga bodega na pinaghihinalaang nagtatago ng mga imported na bigas.
Layunin ng sunud-sunod na hakbang ng gobyerno na maprotektahan ang mga magsasaka at mapanagot ang mga sangkot sa illegal na kalakalan ng mga produktong pang-agrikultura.
Kamakailan, sinalakay ng mga tauhan ng BOC, Department of Agriculture at iba pang ahensya ng gobyerno ang tatlong warehouse sa Intercity Industrial Complex, San Juan, Balagtas Bulacan matapos matuklasang nagtatago ng mga imported na bigas na nagkakahalaga ng ₱505 milyon.