Tuluyan nang nakalabas ng Philippine area of responsibility ang bagyong Goring nitong Miyerkules ng gabi.

Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong 11:00 ng gabi, huling namataan ang bagyo 265 kilometers kanluran ng Itbayat, Batanes o labas na ng bansa.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kumikilos pa rin ito pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 10 kilometer per hour (kph).

Nasa 195 kph ang lakas ng hangin ng bagyo malapit sa gitna at bugso na aabot sa 240 kph.

Tinatahak pa rin ng bagyo ang karagatang bahagi ng Guangdong, China at lalapit ito sa kalupaan ng Hong Kong o Pearl River Delta na posibleng tamaan nito sa Sabado.