
'Goring' e-exit na sa PAR
Tinatahak na ng Super Typhoon Goring ang West Philippine Sea (WPS) matapos dumaan sa Balintang Channel at inaasahang lalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ngayong Miyerkules ng gabi o sa Huwebes ng madaling araw.
Sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyo 90 kilometers timog kanluran ng Basco, Batanes.
Ang bagyo ay kumikilos pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometer per hour (kph), dala ang hanging 195 kph malapit sa gitna at bugsong hanggang 240 kph.
Mananatili pa rin ang lakas ng bagyo hanggang sa Biyernes at posible rin itong mag-landfall sa Guangdong, China sa Linggo.