Sa kanyang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, Agosto 29, tinanong ang ‘Pambansang Ginoo’ na si David Licauco kung gaano na siya kayaman matapos nitong mabanggit ang kanyang mga restaurant business.

“Gaano ka na kayaman?’ tanong ni Tito Boy.

“Saktuhan lang tayo, Tito Boy, e.” natatawang sagot ng aktor.

Nang tanungin naman siya kung bakit niya ginagawa ang pagnenegosyo, sinabi nito na malaking factor diumano na siya ay may pamilya at mga kaibigang negosyante.

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

“And of course, [...] gusto ko rin talagang maging okay ang buhay ng pamilya ko–future family ko. That’s why I’m trying my best to [...] magpayaman,” dagdag pa niya.

Pero ayon kay David, mahina siya sa finances at accounting.

“I have my own accountant and finance management…” pag-amin ng aktor.

Si David Licauco ang isa sa mga bumida sa sikat na seryeng Maria Clara at Ibarra kung saan niya nakapareha si Barbie Forteza.  Sa kasalukuyan, muli silang magkakasama sa upcoming project na ‘Maging Sino Ka man’ na nakatakdang ipalabas sa darating na Setyembre.

Ralph Mendoza