Milyun-milyong jackpot prizes na naman ang naghihintay sa mga lotto bettor ngayong Miyerkules, Agosto 30 ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa kanilang jackpot estimates, papalo sa ₱95 milyon ang premyo ng Grand Lotto 6/55 habang nasa ₱8.9 na milyon ang Mega Lotto 6/45.

PCSO: ₱101.3M jackpot prize ng MegaLotto 6/45, naiuwi ng isang Pasigueño

Nauna nang sinabi ng PCSO na sa halagang ₱20 ay maaari nang maging instant milyonaryo.

Kaya takbo na sa pinakamalapit na lotto outlet at tayaan ang paboritong numero.

Samantala, noong Lunes, Agosto 28, napanalunan ng isang Pasigueño ang ₱101,344,365.201 jackpot prize ng Mega Lotto.

Ayon kay PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades ‘Mel’ Robles, matagumpay na nahulaan ng masuwerteng mananaya ang mga six-digit winning combination na 09-30-28-45-31-05.

Maki-Balita: PCSO: ₱101.3M jackpot prize ng MegaLotto 6/45, naiuwi ng isang Pasigueño