Pumanaw na ang beteranong mamamahayag na si Mike Enriquez nitong Martes, Agosto 29, sa edad na 71.

Kinumpirma ito ng co-anchor ni Enriquez na si Mel Tiangco sa 24 Oras nitong Martes ng gabi.

"It is with profound sadness that GMA Network announces the passing of our beloved Kapuso, Mr. Miguel 'Mike' C. Enriquez, who peacefully joined our Creator on August 29, 2023," pahayag ng GMA Network na inilabas sa programa.

"The Board of Directors, management, and employees of GMA Network, Inc. deeply mourn the passing of Mr. Enriquez. His dedication to the industry will serve as an inspiration to all. We pray for the eternal repose of our beloved Kapuso," saad pa nito.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Matatandaang nag-medical leave si Mike Enriquez para sa kaniyang kidney transplant noong Disyembre 2021 at nagbalik sa telebisyon at radyo noong Marso 2022.

Nito lamang namang Agosto 22, inilabas ng GMA News ang opisyal na pahayag ni Enriquez hinggil sa muli niyang pag-medical leave upang magpagaling umano sa kidney disease at maghanda sa nakatakdang pagsasailalim niya ng heart bypass operation sa darating na Setyembre.

Bilang multi-awarded broadcast journalist, nagsilbi si Enriquez bilang anchor ng “Super Balita sa Umaga” at “Saksi sa Dobol B” ng AM station Super Radyo DZBB 594.

Pagdating sa telebisyon, isa si Enriquez sa mga anchor ng “24 Oras.” Siya rin ang host ng long-running public affairs program na “Imbestigador.”

Nagsimula siyang maging bahagi ng broadcast industry noong 1969 at ng GMA Network noong 1995.