Ibinahagi ni Kapuso actress-beauty queen Rabiya Mateo ang kauna-unahang kotse at kauna-unahang bahay na naipatayo at naipundar niya simula nang magtrabaho at pasukin ang showbiz, na makikita sa kaniyang Instagram post.

Simula nang sumali sa Miss Universe 2020 ay nagtuloy-tuloy na nga si Rabiya sa showbiz bilang isang aktres at TV host sa Kapuso Network.

"Power of manifestation. With my first car and first house❤️," anang Rabiya.

Hindi umano makapaniwala si Rabiya na matutupad ang mga pangarap niya.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

"Three years ago this seems to be impossible but this is the result of countless prayers and hard work. Reminding everyone, not to be scared to dream big!"

Sa comment section naman ay proud na proud sa kaniya ang boyfriend na si Kapuso actor Jeric Gonzales.

"Proud of you always baby! Excited for more 🙏🏻🙌🏻👏🏻," aniya.

Ilang netizens naman ang kumantiyaw sa dalawa na "wedding ring" na lang daw ang kulang.

Congrats, Rabiya!