Nakatakda nang buksan ang isang pet cemetery o libingan ng mga alagang hayop, animal clinic at shelter sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, ang planong sementeryo para sa mga alagang hayop ay bubuksan sa Manila South Cemetery.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Bukod aniya sa naturang sementeryo, ginagawa na rin ang animal clinic at tirahan ng mga alagang hayop.

Aniya, libre lamang ang pagpapalibing ng mga alagang hayop sa naturang sementeryo, sa sandaling operational na ito.

“Ang free cemetery na ito ay para sa ating mga alagang hayop. Dahil sa Maynila, lahat niyayakap," sabi ng alkalde.

Dagdag pa niya, “Patunay lamang po ito na ang inyong pamahalaang-lungsod ay nakatuon ‘di lamang sa tao bagkus, maging sa ating mga alagang hayop.”

Nabatid na ang target date para sa pagbubukas ng animal clinic at shelter na matatagpuan sa Vitas, Tondo ay sa katapusan ng taong kasalukuyan.