Inilunsad ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang LAB for All project na nagbibigay ng libreng konsultasyon at serbisyong pangkalusugan sa Caloocan City nitong Martes, Agosto 29.

Ang LAB for All (Laboratoryo, Konsulta at Gamot Para sa Lahat) ay sinuportahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Binigyang-diin ng DSWD, bahagi lamang ito ng isinusulong na implementasyon ng Republic Act 11223 (Universal Health Care Act).

National

LPA sa loob ng PAR, posibleng maging bagyo -- PAGASA

"RA 11223 aims to ensure that all Filipinos are guaranteed equitable access to quality and affordable health care goods and services, and protected against financial risk," ayon sa Facebook post ng DSWD.

Bukod sa paglulunsad ng proyekto, pinangunahan din ng Unang Ginang ang pamamahagi ng relief goods sa mahihirap na pamilya sa naturang lungsod.