Itinaas sa Signal No. 3 ang northeastern portion ng Babuyan Islands dahil sa Typhoon Goring na posibleng lumapit o mag-landfall sa Batanes sa Miyerkules, Agosto 30, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes, Agosto 29.
Sa tala ng PAGASA nitong 5:00 ng umaga, namataan ang sentro ng Typhoon Goring 220 kilometro sa silangan ng Aparri, Cagayan, na may maximum sustained winds na 155 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong 190 kilometers per hour.
Kumikilos ito pa-north northwestward sa bilis na 10 kilometers per hour.
Dahil dito, itinaas ang Tropical Cyclone Signal Number sa mga sumusunod na lugar:
Signal No. 3
- Northeastern portion ng Babuyan Islands (Babuyan Is.)
Signal No. 2
- Batanes
- Mga natitirang bahagi ng Babuyan Islands
- Extreme northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga)
Signal No. 1
- Northern at eastern portions ng mainland Cagayan (Camalaniugan, Pamplona, Santa Teresita, Baggao, Buguey, Claveria, Aparri, Ballesteros, Abulug, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Allacapan, Lal-Lo, Lasam, Peñablanca, Iguig, Amulung, Gattaran, Alcala, Santo Niño)
- Eastern portion ng Isabela (Dinapigue, San Mariano, Ilagan City, Tumauini, San Pablo, Cabagan, Maconacon, Divilacan, Palanan)
- Northern portion ng Apayao (Flora, Calanasan, Luna, Pudtol, Santa Marcela)
- Northern portion ng Ilocos Norte (Vintar, Pasuquin, Burgos, Dumalneg, Adams, Pagudpud, Bangui)
Sa track forecast ng PAGASA, posible umanong lumapit o mag-landfall ang bagyo sa vicinity ng Batanes bukas, Miyerkules, ng umaga o tanghali.
“During this period, the typhoon is forecast to re-intensify and may peak at near-super typhoon strength by the time it passes very close or over Batanes (although re-intensifying into a super typhoon is not ruled out),” saad ng PAGASA.
Inaasahan naman umanong lalabas Philippine area of responsibility (PAR) bukas ng gabi o Huwebes ng umaga, Agosto 31.