Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na lalo pang tumindi ang bagyong Goring habang papalapit ito sa Balintang Channel nitong Martes ng gabi, Agosto 29.
Sa tala ng PAGASA nitong 8:00 ng gabi, namataan ang sentro ng Typhoon Goring 140 kilometro ang layo mula sa silangan ng Calayan, Cagayan, na may maximum sustained winds na 175 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong 215 kilometers per hour.
Kumikilos pa-northwestward sa bilis na 10 kilometers per hour.
Dahil dito, itinaas ang Tropical Cyclone Signal Number sa mga sumusunod na lugar:
Signal No. 4
- Northeastern portion ng Babuyan Islands (Babuyan Is.)
Signal No. 3
- Southern portion ng Batanes (Sabtang, Uyugan, Ivana, Mahatao, Basco)
- Mga natitirang bahagi ng Babuyan Islands
Signal No. 2
- Northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Buguey, Camalaniugan, Santa Teresita, Allacapan, Lal-Lo, Lasam, Gattaran, Baggao, Peñablanca)
- Mga natitirang bahagi ng Batanes
- Northern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Bangui, Dumalneg)
- Northern portion ng Apayao (Calanasan, Luna, Santa Marcela, Flora, Pudtol)
Signal No. 1
- Northern at eastern portion ng Isabela (Dinapigue, San Mariano, Ilagan City, Tumauini, San Pablo, Cabagan, Maconacon, Divilacan, Palanan, Santa Maria, Santo Tomas, Quezon, Delfin Albano)
- Mga natitirang bahagi ng Ilocos Norte
- Mga natitirang bahagi ng Cagayan
- Mga natitirang bahagi ng Apayao
- Northern portion ng Abra (Tineg, Lagayan, Lacub, Malibcong)
- Northern portion ng Kalinga (Balbalan, Pinukpuk, Rizal, City of Tabuk)
Pinalalakas din umano ng Typhoon Goring ang southwest monsoon o habagat na magdudulot ng occasional o monsoon sa western portions ng Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas sa susunod na tatlong araw.
“The latest track forecast indicates that the typhoon may pass very close or make landfall in the vicinity of Babuyan Island between tonight (Agosto 29) or tomorrow early morning (Agosto 30),” anang PAGASA.
“During this period, the typhoon may gradually re-intensify and reach super typhoon category by the time it passes very close or over Batanes,” dagdag pa nito.
Inaasahan naman umanong lalabas Philippine area of responsibility (PAR) bukas ng tanghali o sa Huwebes ng umaga, Agosto 31.