Nakataas na sa Signal No. 5 ang northeastern portion ng Babuyan Islands dahil sa bagyong Goring na lumakas pa at isa na muling ganap na “super typhoon,” ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes ng gabi, Agosto 29.
Sa tala ng PAGASA nitong 11:00 ng gabi, namataan ang sentro ng Super Typhoon Goring sa coastal waters ng Calayan (Babuyan Is.), Cagayan, na may maximum sustained winds na 185 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong 230 kilometers per hour.
Kumikilos pa-northwestward sa bilis na 10 kilometers per hour.
Dahil dito, itinaas ang Tropical Cyclone Signal Number sa mga sumusunod na lugar:
Signal No. 5
- Northeastern portion ng Babuyan Islands (Babuyan Is.)
Signal No. 4
- Southern portion ng Batanes (Sabtang, Uyugan, Ivana, Mahatao, Basco)
- Northwestern at southeastern portions ng Babuyan Islands (Camiguin Is., Calayan Is.)
Signal No. 3
- Mga natitirang bahagi ng Batanes
- Mga natitirang bahagi ng Babuyan Islands
- Extreme northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana)
Signal No. 2
- Northern at eastern portions ng mainland Cagayan (Gonzaga, Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Buguey, Camalaniugan, Santa Teresita, Allacapan, Lal-Lo, Lasam, Gattaran, Baggao, Peñablanca)
- Northern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Bangui, Dumalneg)
- Northern portion ng Apayao (Calanasan, Luna, Santa Marcela, Flora, Pudtol)
Signal No. 1
- Northern at eastern portion ng Isabela (Dinapigue, San Mariano, Ilagan City, Tumauini, San Pablo, Cabagan, Maconacon, Divilacan, Palanan, Santa Maria, Santo Tomas, Quezon, Delfin Albano)
- Mga natitirang bahagi ng Ilocos Norte
- Mga natitirang bahagi ng Cagayan
- Mga natitirang bahagi ng Apayao
- Northern portion ng Abra (Tineg, Lagayan, Lacub, Malibcong)
- Northern portion ng Kalinga (Balbalan, Pinukpuk, Rizal, City of Tabuk)
"Violent, life-threatening conditions from typhoon-force winds are possible within any of the areas where Wind Signals No. 4 and 5 are hoisted, resulting in significant to extreme impacts," paalala ng PAGASA.
Pinalalakas din umano ng Super Typhoon Goring ang southwest monsoon o habagat na magdudulot ng occasional o monsoon sa western portions ng Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas sa susunod na tatlong araw.
“The latest track forecast indicates that the super typhoon may pass very close or make landfall in the vicinity of Babuyan Island (Cagayan) and Batan-Sabtang Islands (Batanes) between tonight or tomorrow afternoon,” anang PAGASA.
“Regardless of landfall or close approach point, GORING will bring typhoon-force conditions over most of Batanes and Babuyan Islands between tonight and tomorrow afternoon. The super typhoon will be passing through the region at or near its peak intensity,” dagdag pa nito.
Inaasahan naman umanong lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo bukas ng gabi, Agosto 30, o sa Huwebes ng umaga, Agosto 31.