Itinaas na sa Signal No. 4 ang northeastern portion ng Babuyan Islands dahil sa Typhoon Goring na bahagya pang lumakas, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes ng hapon, Agosto 29.

Sa tala ng PAGASA nitong 5:00 ng hapon, namataan ang sentro ng Typhoon Goring 165 kilometro ang layo mula sa silangan ng Calayan, Cagayan, na may maximum sustained winds na 165 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong 205 kilometers per hour.

Kumikilos pa-West Northwestward sa bilis na 10 kilometers per hour.

Dahil dito, itinaas ang Tropical Cyclone Signal Number sa mga sumusunod na lugar:

National

De Lima, sinagot pahayag ni Go na pinapalakpakan noon drug war: ‘Noon, maraming takot!’

Signal No. 4

  • Northeastern portion ng Babuyan Islands (Babuyan Is.)

Signal No. 3

  • Southern portion ng Batanes (Sabtang, Uyugan, Ivana, Mahatao, Basco) 
  • Mga natitirang bahagi ng Babuyan Islands

Signal No. 2

  • Northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Buguey, Camalaniugan, Santa Teresita, Allacapan, Lal-Lo, Lasam, Gattaran, Baggao, Peñablanca)
  • Mga natitirang bahagi ng Batanes
  • Northern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Bangui, Dumalneg)
  • Northern portion ng Apayao (Calanasan, Luna, Santa Marcela, Flora, Pudtol)

Signal No. 1 

  • Northern at eastern portion ng Isabela (Dinapigue, San Mariano, Ilagan City, Tumauini, San Pablo, Cabagan, Maconacon, Divilacan, Palanan, Santa Maria, Santo Tomas, Quezon, Delfin Albano)
  • Mga natitirang bahagi ng Ilocos Norte
  • Mga natitirang bahagi ng Cagayan
  • Mga natitirang bahagi ng Apayao
  • Northern portion ng Abra (Tineg, Lagayan, Lacub, Malibcong) 
  • Northern portion ng Kalinga (Balbalan, Pinukpuk, Rizal, City of Tabuk)

Pinalalakas din umano ng Typhoon Goring ang southwest monsoon o habagat na magdudulot ng occasional o monsoon sa western portions ng Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas sa susunod na tatlong araw.

“The latest track forecast indicates that the typhoon may pass very close or make landfall in the vicinity of Babuyan Island between tonight or tomorrow early morning (although a slight northward shift in the track forecast may bring the eye and eyewall region of the typhoon to the southern portion of Batanes),” anang PAGASA.

“During this period, the typhoon is forecast to persist in strength by the time it passes very close or over Batanes (although gradual re-intensifying and reaching into a super typhoon category is not ruled out),” dagdag pa nito.

Inaasahan naman umanong lalabas Philippine area of responsibility (PAR) bukas ng gabi o sa Huwebes ng umaga, Agosto 31.