Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Martes ng madaling araw, Agosto 29, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 1:59 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 214 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 15 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa Tupi, South Cotabato; Malungon at Kiamba, Sarangani.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa kalapit sa lugar sa posibleng aftershocks ng lindol, ngunit hindi naman umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.