Niyanig ng magnitude 7.1 na lindol ang Bali Sea sa Indonesia nitong Martes, Agosto 29, ayon sa US Geological Survey.
Sa ulat ng Agence Frace-Presse, nangyari ang lindol na may lalim na 515 kilometro dakong 3:55 ng madaling araw (local time).
Namataan ang epicenter nito 181 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Gili islands sa Lombok, isang makling biyahe umano ng bangka mula sa Bali.
Naramdaman umano ang pagyanig sa buong Bali, maging sa mga kalapit na isla ng Lombok at Sumbawa.
Nakapagtala rin ang USGS ng magnitude 5.4 at magnitude 5.6 aftershock matapos lamang ang ilang minuto mula nang mangyari ang lindol.
Dahil dito, agad umanong pinalikas ng staff ng mga hotel ang kanilang guests sa takot umanong baka magkaroon ng tsunami.
Samantala, inihayag ng mga awtoridad ng Indonesia na wala inaasahang tsunami threat mula sa lindol.
Wala pa rin umanong naitatalang pinsalang naidulot ng lindol.
"Our teams are carrying assessments as they are still collecting reports from the people," anang Bali disaster mitigation agency sa isang pahayag.