Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang probinsya ng Antique nitong Martes ng gabi, Agosto 29, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 9:17 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 21 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Anini-y, Antique, na may lalim na 36 kilometro.

Naramdaman ang Intensity III sa San Jose de Buenavista, Antique.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Naitala naman ang Instrumental Intensites sa mga sumusunod na lugar:

Intensity III - Anini-y, Antique

Intensity II - San Jose de Buenavista, Antique

Intensity I - Valderrama, Antique; City of Sipalay, Negros Occidental 

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.