Inihayag ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Martes, Agosto 29, na 242 sa 351 examinees ang pumasa sa August 2023 Mining Engineers Licensure Examination.
Sa inilabas na resulta ng PRC, kinilala si John Mekko Ostonal Payonga mula sa Bicol University – Legazpi bilang topnotcher matapos siyang makakuha ng 88.40% score.
Samantala, hinirang na top performing school ang University of the Philippines-Diliman matapos umano itong makakuha ng 100% overall passing rating.
Isinagawa umano ang naturang pagsusulit mula Agosto 22 hanggang Agosto 24 sa mga testing center sa National Capital Region (NCR), Baguio, Cebu, Davao, at Legazpi.