Usap-usapan ang tila makahulugang X post ni Unkabogable Star Vice Ganda bilang bagong endorser ng isang sikat na online shopping app.
Tanong niya kasi sa madlang netizens, "Nakapag-reinstall na ba ang lahat?"
Maraming mga netizen ang natuwa sa pagiging bagong brand ambassador ng TV host-comedian sa kabila ng mga kontrobersiyang kinasasangkutan niya kamakailan, na may kinalaman sa "It's Showtime" at MTRCB.
Ngunit maraming mga netizen ang nagbigay ng interpretasyon tungkol sa makahulugang post ni Vice.
Anang karamihan, tila "shade" daw ito sa nangyari sa endorsement ng app kamakailan.
Matatandaang umani ng katakot-takot na kritisismo mula sa mga netizen ang pagiging endorser ng nabanggit na online shopping app ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga-Soriano.
Nataon kasi ito sa napabalitang nagtanggal o nag-retrench daw ng mga empleyado ang nabanggit na kompanya, kaya lalong nanggalaiti ang mga netizen.
Ilan sa celebrities ang nagtanggol sa kompanya, gaya ni politician-actress Aiko Melendez.
MAKI-BALITA: ‘Mali ang timing!’ Aiko Melendez, ipinagtanggol si Toni Gonzaga, may wish sa online shopping app
Marami umano sa app user ang nag-reinstall na at lumipat sa katapat nitong app.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.
"Shabay shabay na mag-reinstall meme."
"The shade hahaha."
"Oten G ano naaaaa hahaha."
"Fine. Pwede na iredownload."
"sige install back nako ng shopee dahil kay meme."
Samantala, pumalag din ang fans ni Toni sa naging shade daw ng komedyante sa kaniya.
"Puwede namang mag-promote ng walang pang sha-shade! Laging inis everytime na napupuna. Pero pag ikaw, okay lang. Kaloka yung may pagyakap at pa-friend daw nya. Minsan nakakawalang gana lang pag iba ang ginagawa sa pinapakita."
"I thought she's your friend beso beso no p ng mmff float parade, ikaw p nga umakyat sa float nila and then this? It's so obvious who you are referring to. You can promote naman without doing this if you really consider her as your friend."
"Matagal na nakainstall... Ano mag-iinstall lang dahil sa'yo?"
Ang binabanggit sa komento ay ang pag-akyat ni Vice Ganda sa float ng "My Teacher" na pinagbidahan ni Toni, sa naganap na Parade of Stars noong 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Toni o ni Vice Ganda tungkol dito.