Apat na traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang nagsauli ng napulot na pera mula sa dalawang collector ng isang lending company sa Quezon City kamakailan.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Habang naka-duty, nakita ng mga traffic enforcer ang ₱30,000 na nahuhulog sa bag ng mga collector habang sakay ng motorsiklo sa EDSA-Muñoz.

Dahil dito, pinulot ng mga ito ang pera at hinabol ang dalawang may-ari.

"As a sector commander, ituro natin yung tamang gawain. Nakapulot kami ng 30k, ibinalik namin sa may-ari," ayon naman social media post ni Acol Gerardo.

Nagpasalamat naman ang dalawang collector sa kabutihang-loob ng apat na traffic enforcer.