Nanawagan si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa siklista na biktima ng road rage incident na lumantad at kasuhan ang suspek na dating pulis matapos kasahan ng baril at saktan nitong Agosto 8.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Inilabas ng alkalde ang apela matapos isapubliko ng suspek na si Wilfredo Gonzales na nagkaayos na sila ng biktima.

“We are appealing to the complainant to come forward so that Willy Gonzalez, whom I consider a menace to society, is held accountable. We want to assure the cyclist that we will extend legal assistance, as well as put him and his family in our protection, so that justice is served. I will not allow this case to be whitewashed. Maaaring natatakot ang biktima na humarap dahil ang nakatapat niya ay taga-gobyerno. Nais nating bigyang-diin na walang puwang ang karahasan sa ating lungsod,” anang alkalde sa social media post ng QC government nitong Lunes.

Nitong Linggo, humarap sa press conference si Gonzales sa QC Police District headquarters sa Camp Karingal, Sikatuna Village sa tulong ni QCPD director Brig. Gen. Nicolas Torre III matapos ang kanyang pagsuko.

Kumalat sa social media ang pagmumura, pananakit at pagkasa ng baril ni Gonzales sa biktima na nakasagi sa kotse nitong pumasok sa bicycle lane na eksklusibo lamang sa mga nagbibisikleta.

“This culture of impunity is not acceptable in QC and I have a duty and responsibility to maintain peace and order in our city and to send a strong message that acts such as those committed shall not be tolerated and that he must be held accountable,” anang alkalde.

Sakaling lumantad ang biktima, posibleng maharap sa patung-patong na kaso si Gonzales, ayon pa sa Facebook post ng city government.