Sa kabila ng pagkatalo ng Gilas Pilipinas sa Dominican Republic, 87-81, nitong Biyernes, tiwala pa rin si 6'9" center/power forward Japeth Aguilar na maiuuwi nila ang unang panalo laban sa Angola sa kanilang paghaharap sa Araneta Coliseum sa Quezon City ngayong Linggo ng gabi.

Aniya, gagawin nila ang lahat upang manaig sa nasabing laban na magsisimula dakong 8:00 ng gabi.

Binigyang-diin ni Aguilar, pinaghandaan na ng Gilas ang laban nila kontra Angola matapos mapanood at mapag-aralan ang mga laro ng nasabing koponan.

Betong Sumaya, pumatol sa basher: 'Wag kang manood!'

Sa panig naman ni Gilas coach Chot Reyes, kailangan nilang manalo laban sa Angola upang mabuhay ang kanilang tiyansang makausad sa susunod na round.

Pagkatapos ng nasabing laro, lalabanan din ng National squad ang Italy sa Martes, Agosto 29.