Tila nagbigay ng komento ang misis ng Kapamilya actor na si John Estrada sa presyo ng grocery items sa Pilipinas matapos niyang mag-grocery kamakailan.

Makikita sa kaniyang Instagram story nitong Sabado, Agosto 26, ang litrato ng isang push cart na may ilang grocery items.

Mababasa sa text caption, "There was a time I would go for the grocery and what I just spent today would result in 2 overflowing carts."

"Today, that's the best I can get," sey ni Priscilla kung saan makikitang hindi pa napuno ang push cart na kaniyang dala-dala.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"'The price of grocery items is skyrocketing in this country and that's very concerning," dagdag pa ni Priscilla.

Bukod dito, nagpa-survey pa siya kung agree ba sa kaniya ang netizens, at ang sumagot na agree ay 92% habang 8% naman ang disagree.

Photo courtesy: Priscilla Meirelles' IG via Fashion Pulis

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"This is so true. Dati 6 to 7k and dami na yun for us na family of 3. Now to shop the same amount of groceries is an additional 2k."

"This is really sad. Di excuse na it's happening worldwide or it's still the effect of covid or inflation or whatsoever. This is the result of electing incompetent, self-serving, corrupt government officials."

"Not just in the PH, but all over the world."

"It's really alarming. Mabilis mabudol ang nakararaming Pilipino..."

"It's a worldwide phenomenon but unfortunately for Filipinos we are a low wage country so it's harder to make ends meet compared to most developed countries."