Pinapatawag na ng Land Transportation Office (LTO) ang isang motoristang sangkot sa road rage kung saan binunutan nito ng baril ang isang siklista sa Quezon City kamakailan.

Paliwanag ni LTO chief Vigor Mendoza II, layunin ng show cause order ng ahensya na isailalim sa imbestigasyon ang may-ari ng pulang kotse na uminit ang ulo sa alitan sa trapiko sa Welcome Rotonda na panulukan ng Maynila at Quezon City nitong Agosto 8.

“We assure the public of our swift action on this matter. In as much as we want to immediately impose sanctions based on the viral video, we have to observe and respect due process and this includes a fair conduct of investigation,” anang opisyal.

Metro

Barangay tanod na nagseselos, 'sinamurai' ang canteen helper; patay!

Sa footage ng insidente na kumalat sa social media, makikita ang isang lalaking bumaba sa isang kotse upang harapin ang nagbibisikleta.

Pagkababa, kaagad na binunot ng lalaki ang kanyang baril at ikinasa sa harap ng siklista.

Binigyang-diin naman ni Mendoza, kaagad silang umaksyon matapos mapanood ang viral video ng insidente.