Kinansela muna ng pamahalaan ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme sa Agosto 28, 2023, isang regular holiday bilang paggunita sa Pambansang Araw ng mga Bayani.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), hindi huhulihin ang mga sasakyang may ending na "1" at "2" sa kanilang plaka.

Gayunman, ibabalik din ng MMDA ang implementasyon ng number coding sa Martes, Agosto 29.

Nanawagan din ang ahensya sa mga motorista na sumunod sa batas-trapiko upang maiwasan ang aksidente.

National

Sen. Kiko, nirerespeto desisyon ni Mayor Leni pero pinakamalakas na pambato pa rin sa 2028!