Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang probinsya ng South Cotabato nitong Sabado ng madaling araw, Agosto 26, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 3:13 ng madaling araw.
Namataan ang epicenter nito 9 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Surallah, South Cotabato, na may lalim na 9 kilometro.
Naramdaman ang Intensity IV sa Surallah, Banga, Tampakan, Tupi, T'Boli, at City of Koronadal, South Cotabato; Maasim, Alabel, Glan, at Malapatan, Sarangani; at City Of General Santos.
Itinaas naman sa Intensity III sa Lake Sebu, South Cotabato; Malungon, Sarangani; habang Intensity II sa Maitum, Sarangani.
Samantala, naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity V- Lake Sebu, South Cotabato
Intensity IV - Tupi, Banga, Polomolok, Surallah, at Santo Ñino, South Cotabato; City Of General Santos; Kiamba at Maasim, Sarangani
Intensity III- Alabel, Malungon, Malapatan, at Maitum, Sarangani
Intensity II- Isulan at Columbio, Sultan Kudarat; Tantangan at Norala, South Cotabato; Don Marcelino, Davao Occidental
Intensity I- Lebak at President Quirino, Sultan Kudarat
Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa kalapit sa lugar sa posibleng aftershocks ng lindol.
Inaasahan din umanong magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.