Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng South Cotabato nitong Sabado ng hapon, Agosto 26, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 3:28 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 11 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Surallah, South Cotabato, na may lalim na 8 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

National

De Lima, sinagot pahayag ni Go na pinapalakpakan noon drug war: ‘Noon, maraming takot!’

Intensity II - Banga at Tampakan, South Cotabato; City of General Santos

Intensity I - Kiamba at Maitum, Sarangani; Polomolok, South Cotabato

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.