Natagpuan sa Masungi Georeserve sa Rizal ang isang Olive-backed Sunbird o “Tamsi” na maituturing umanong katutubo sa Pilipinas.

Sa isang Facebook post ng Masungi, ibinahagi nito ang larawan ng Tamsi na nakadapo sa isang sanga ng kanilang puno.

“[Tamsi] primarily consumes nectar, but insects become a significant part of its diet, especially when tending to its young,” anang Masungi. 

“With the assistance of its small wings, these birds exhibit agile and straightforward flight.”

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“Having originated in mangrove habitats, this avian species has not only embraced urban environments but has also ingeniously incorporated man-made structures into its nesting habits,” saad pa nito kasama ang hashtag na #SaveMasungi.

Kamakailan lamang, ibinahagi rin ng Masungi Georeserve ang isang larawan ng indigo-banded kingfisher na malaya umanong nakalilipad sa lugar.

MAKI-BALITA: Isang indigo-banded kingfisher, namataan sa Masungi