Naaliw ang kapwa celebrities at netizens sa ibinahaging larawan ng isang banana bread na naka-post sa Instagram ni Kapuso comedy star Pokwang, na may kakaibang hugis at pamilyar sa lahat.

Aniya, "ayoko na wala na akong gana! gusto ko lang naman ng banana bread!!! parang iba ito? bat ganon? #Notmyphoto #credittoowner."

Nakalagay naman sa pa-hashtags ni Pokie na hindi kaniya ang pic, na nakita lang niya sa post ng ibang netizens at ibinahagi sa socmed.

Natawa naman dito ang mga celebrity na sina John Arcilla, Giselle Sanchez, Rico Robles, Macoy Dubs, Vina Morales, at iba pa.

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

Isang netizen pa ang nagbigay ng payo kay Pokwang.

"Ipadala mo kay Lee! Joke hahaha," anang netizen na ang tinutukoy ay ang ex-partner ni Pokwang na si American actor Lee O'Brian na ipinade-deport ng komedyante.

Hirit at tila pa-shade naman ni "Mamang," "wag na meron na sya nyan bago! ganyan na ganyan hahahahaaa."

Iginiit din ni Pokie na kahit may mga anak na siya, fresh pa rin siya at hindi laspag.