
(Cagayan Provincial Information Office/FB)
2,000 estudyante sa Cagayan, tumanggap ng ₱10.3M scholarship assistance
Mahigit sa 2,000 estudyante ang binigyan ng scholarship assistance na aabot sa ₱10.3 milyon sa Cagayan kamakailan.
Ang pamamahagi ng nasabing tulong pinansyal ay isinagawa nitong Agosto 24-25.
Partikular na tumanggap ng tulong ang mga purok agkaykaysa scholars ng Provincial Government of Cagayan.
Sa Facebook post ng Cagayan Provincial Information Office, ang mga estudyante ay taga-Gattaran, Ballesteros, Baggao, Tuguegarao City, Lal-lo, Lasam, at Allacapan..
Ang Purok Agkaykaysa Scholarship program ay taunang programa ng pamahalaang panlalawigan na naglalayong matulungan ang mga “poor but deserving” student sa kanilang pag-aaral.