Nanawagan ng tulong pinansiyal ang drag queen na si Pura Luka Vega para umano sa mga gagastusin nila sa korte sa darating na Setyembre ngayong taon.

“WE’RE GOING TO COURT And we need your help more than ever 🙊,” saad sa isang Instagram post ng official page ng podcast nina Pura, may tunay na pangalang Amadeus Fernando Pagente.

Nakalagay rin sa naturang post ang QR code para sa GCash kung saan maaari umanong magbigay ng donasyon.

“Your donations will go to Luka’s family and transpo/food for their court dates this September,” nakasaad din sa naturang post.

Anong mangyayari sa isang tao kung naideklara siyang ‘persona non grata’ sa ‘Pinas?

“Please add in the notes FOR LUKA when sending your support 🙏🏻,” dagdag pa.

Hindi naman binanggit ni Pura sa post ang dahilan ng naturang pagharap niya sa korte sa darating na Setyembre.

Matatandaang sinampahan ng kaso ang drag queen kamakailan ng mga deboto ng Itim na Nazareno at ilang religious leaders dahil sa kaniyang kontrobersiyal na “Ama Namin” drag performance.

MAKI-BALITA: Mga deboto ng Itim na Nazareno, nagsampa ng kaso vs Pura Luka Vega

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega kinasuhan dahil sa ‘Ama Namin’

Bukod dito, ilang mga lungsod at lalawigan sa bansa na ang nagdeklara ng persona non grata laban kay Pura Luka Vega, kabilang na rito ang Lungsod ng Maynila, Marinduque, Batangas City, Bohol, Mandaue City at Cebu City sa Cebu, Lucena City sa Quezon Province, Occidental Mindoro, Dinagat Islands, Laguna, Nueva Ecija, Cagayan de Oro City, Bukidnon, General Santos City sa South Cotabato, Floridablanca sa Pampanga, at Toboso sa Negros Occidental.

MAKI-BALITA: Mga lugar na nagdeklara ng persona non grata laban kay Pura Luka Vega

Nagbigay naman ng reaksyon kamakailan si Pura hinggil sa halos sunod-sunod na pagkaka-persona non grata sa kaniya.

“Tell me EXACTLY what I did wrong. I’m open for a dialogue and yet cities have been declaring persona non grata without even knowing me or understanding the intent of the performance. Drag is art. You judge me yet you don’t even know me,” ani Pura kamakailan.

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega, nag-react sa halos sunod-sunod na pagka-persona non grata

Matapos nito, muling nagtanghal ang drag queen sa awitin ni Taylor Swift na “Look What You Made Me Do” at nagbigay ng pahayag hinggil sa mga isyu laban sa kaniya.

“Para sa mga ibang lugar na gustong mag-persona non grata diyan, dagdagan n’yo pa! Pakialam ko. ‘Yon lang po. Thank you po,” saad ni Pura.

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega wafakels sa persona non grata: ‘Dagdagan n’yo pa!’