Isang Mega job fair ang nakatakdang idaos sa lungsod sa katapusan ng buwan.

Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, layunin nitong makapagbigay ng trabaho sa mga jobless na residente.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nabatid na makatakdang ganapin ang Mega job fair sa San Pablo Apostol Parish Church (Covered Court),  Velasquez St., Tondo, Manila sa Agosto 31, 2023 (Huwebes) mula 9:00 AM hanggang 4:00 PM.

Ayon kay Public Employment Service Office (PESO) chief Fernan Bermejo, nagsanib-puwersa ang City of Manila at ang Department of Labor and Employment (DOLE), gayundin ang DOLE NCR Manila Field Office upang makapagsagawa ng job fair na bukas sa lahat ng Manilenyo.

Sinabi ni Lacuna na ang mga interesadong aplikante ay dapat na magsuot ng  casual attire, magdala ng hanggang 10 kopya ng resume at sariling ballpen.

Pinapayuhan din silang mag-register sa link na ito: https://docs.google.com/.../1FAIpQLSdAACnMbhJ6X3.../viewform.

Samantala, tuloy pa rin ang special program for employment of students (SPES) program.

Ang nasabing gawain ay alinsunod sa  Republic Act No. 109171 at Republic Act No. 7323 at lalahukan ng iba't-ibang establisimyento.

Kapag nakumpirma na ang aplikasyon, ang mga sumusunod na dokumento ay kailangan: photocopy ng birth certificate o kahit na anong dokumento na nagpapakita ng edad (dapat ay 18-29 anyos); photocopy ng latest Income Tax Return (ITR) ng parents/legal guardian o certification mula sa BIR na ang parents/guardians ay exempted sa pagbabayad ng buwis o original Certificate of Indigence o original Certificate of Low Income na mula sa Barangay/DSWD o CSWD kung saan nakatira ang aplikante.

Bilang karagdagan sa mga nabanggit na requirements ang mga sumusunod: para sa estudyante, photocopy ng proof of average passing grade tulad ng Class card o Form 138 ng nakaraang semester o ng nakalipas na isang taon bago ang application at original copy of Certification ng School Registrar as to passing grade immediately preceding semester/year, kung ang grades ay 'di pa available.

Para sa out-of-school youth, ang requirement ay original copy of Certification bilang OSY mula sa DSWD/CSWD o sa sinumang authorized Barangay Official kung saan nakatira ang OSY .

Ayon kay Bermejo, tanging mga kumpleto lang ang requirements ang ipoproseso.