“FIBA WORLD CUP OPENING DAY! ?”
Tila hindi na mapigil ng folk-pop band Ben&Ben ang kanilang excitement na mag-perform sa opening day ng FIBA World Cup nitong Biyernes, Agosto 25.
Sa isang Facebook post, nagbahagi ang 9-piece band ng kanilang group photo habang naka-pose ng korteng “FIBA.”
“So excited to perform later! First time namin tumugtog sa isang basketball cup tapos FIBA pa ??,” caption ng Ben&Ben.
“See you later!!! LABAN PILIPINAS ????,” saad pa nito kasama ang hashtags na #FIBAWC, #SmartFIBA, #WinForAll, at #WinForPilipinas.
Bukod sa Ben&Ben, nakatakda ring mag-perform si Popstar Royalty Sarah Geronimo at ang bandang The Dawn sa opening day ng FIBA World Cup na gaganapin sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.