Nagpahayag ng pagkabahala si Dominican Republic coach Nestor Garcia sa presensya ni NBA star Jordan Clarkson sa Gilas Pilipinas.

Magsasalpukan ang Dominican Republic at Gilas Pilipinas sa opening ng 2023 FIBA Basketball World Cup sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan ngayong Biyernes, dakong 8:00 ng gabi.

Ilang grupo nagtipon para sa panawagan ng clemency kay Mary Jane Veloso

Paliwanag ni Garcia, masyadong mapanganib si Clarkson dahil nagpapakawala ito ng tres at kaya pang maglaro sa tatlong posisyon.

Magagaling din ania ang mga manlalaro ng Gilas Pilipinas at mabibilis pa kahit pa malalaki.

Gayunman, ipinahayag ni Garcia na mahalaga pa rin sa kanila na manalo sa unang laro.

"It's extra motivation to play before the crowd. This is the best thing, you must play ball," paliwanag ni Garcia sa isang panayam.

Ito ang unang pagkakataon ni Clarkson upang makapaglaro sa FIBA World Cup kasunod ng pagsali nito sa Gilas sa nakaraang 4th window ng Asian qualifiers noong Agosto 2022.

Kasama rin ni Clarkson sa koponan sina 7'33" center Kai Sotto at AJ Edu, June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Dwight Ramos, CJ Perez, Rhenz Abando, Jamie Malonzo, Roger Pogoy, Kiefer Ravena at Scottie Thompson.