Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) nitong Biyernes na nangangailangan sila ng ₱70 milyon hanggang ₱75 milyong pondo para makapagsagawa ng special election, upang mapalitan sa puwesto ang pinatalsik na si dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr..

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ang pondong gagamitin nila para dito ay magmumula sa kasalukuyang budget ng komisyon, dahil wala naman umanong ‘special o supplemental appropriation’ para sa ganitong layunin.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Inamin ni Garcia na hanggang sa ngayon ay naghahanap pa sila ng kaukulang budget para magamit sa naturang special election.

Gayunman, tiniyak niya na hahanap sila ng paraan upang maidaos ang naturang halalan.

“It's very difficult to explain to everyone, especially to our Congress, if we were not be able to hold the elections simply because of the lack of budget,” aniya pa, sa isang panayam.

Una nang sinabi ni Garcia na imposible nang maisabay nila sa October 30, 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang naturang special election.

Aniya, maaaring pinakamaaga nilang maidaos ang naturang halalan sa katapusan ng Disyembre, 2023.