Itinaas na sa Signal No. 1 ang Santa Ana, Cagayan dahil sa bagyong Goring, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes ng gabi, Agosto 24.
Sa tala ng PAGASA kaninang 11:00 ng gabi, huling namataan ang sentro ng Tropical Storm Goring 235 kilometro ang layo sa silangan ng Basco, Batanes, na may maximum sustained winds na aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong 80 kilometers per hour.
Mabagal itong kumikilos pa-westward.
Base sa forecast track ng PAGASA, posible pang lumakas ang bagyo at itaas sa typhoon category sa Sabado, Agosto 26.
Samantala, inihayag din ng PAGASA na inaasahang palalakasin ng bagyo ang southwest monsoon o habagat na magdadala rin ng occasional rains sa kanlurang bahagi ng Central at Southern Luzon simula nitong Biyernes, Agosto 25, at sa hilagang bahagi ng Visayas simula sa Sabado.