Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) ang pagkansela ng face-to-face oathtaking para sa mga bagong nurse nitong Huwebes, Agosto 24, sa Palawan.

Sa inilabas na advisory ng PRC, ang naturang kanselasyon ng face-to-face oathtaking sa Puerto Princesa City, Palawan ay dulot umano ng limitadong bilang ng inductees.

“All concerned inductees may join the online oathtaking scheduled on August 29, 2023, 2:00 P.M., via Microsoft Teams or Zoom. Kindly wear your Gala Uniform and Cap, and use a white backdrop (white physical or virtual background) throughout the oathtaking ceremony,” anang PRC.

“Please secure an online schedule at http://online.prc.gov.ph and select ‘e-OATH’ as the transaction. Further, you are required to print the ‘OATH OF PROFESSIONAL’ form downloadable from the PRC official website under PRC Online Services,” dagdag nito.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Inabisuhin din ng PRC ang inductees na bisitahin ang link para sa step-by-step procedure ng online oathtaking application system, maging ang link  para sa registration at ceremony protocols.