Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang probinsya ng Oriental Mindoro nitong Huwebes ng madaling araw, Agosto 24, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 1:38 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 12 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Bansud, Oriental Mindoro, na may lalim na 1 kilometro.

Naramdaman ang Intensity V sa Pinamalayan, Oriental Mindoro, habang Intensity IV sa Bansud, at Gloria, Oriental Mindoro.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Naitala naman ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity IV- Pinamalayan, Oriental Mindoro

Intensity III - City of Calapan, at Roxas, Oriental Mindoro

Intensity II - Boac, Marinduque; Victoria, Oriental Mindoro; Gumaca, Quezon

Intensity I - Lemery, San Luis at Batangas City, Batangas; Abra De Ilog at San Jose, Occidental Mindoro; Puerto Galera, Oriental Mindoro; Mauban, Quezon

Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa kalapit sa lugar sa posibleng aftershocks ng lindol.

Inaasahan din umanong magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.