Trending ang pelikulang "A Very Good Girl" na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Dolly De Leon matapos ang paglabas ng kanilang official trailer gayundin ang unveiling ceremony ng kanilang official poster, sa ginanap na grand media conference para dito nitong Miyerkules, Agosto 23, na ginanap sa Studio 8 ng ABS-CBN.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

View this post on Instagram

A post shared by ABS-CBN Films, Star Cinema (@starcinema)

Present din sa naganap na mediacon sina Jake Ejercito, Kaori Oinuma, Gillian Vicencio, at Chie Filomeno.

Sinamahan din sila ng kanilang direktor na si Petersen Vargas at creative writers na nasa likod ng nabanggit na pelikula na sina Marionne Dominique Mancol, Daniel Saniana, at Jumbo Albano, sa paggabay naman ni Carmi Raymundo.

Sinagot ng cast members ang iba't ibang tanong na ipinukol sa kanila ng press, na ipinadaloy ni ABS-CBN News showbiz reporter MJ Felipe na siya na ring nagsilbing event host.

Aminado umano sina Kathryn, Dolly at iba pang cast members na noong una ay nangapa sila sa isa't isa, subalit habang dumaraan ang mga araw ay naging palagay at nag-jive na sila. Medyo intimidated daw si Kathryn kay Dolly, siyempre, international awardee at nominee, pero habang tumatagal daw ay naging komportable na siyang katrabaho ito.

Of course, marami raw natutuhan si Kathryn pagdating sa acting technique, paghugot ng emosyon, at work ethics mula kay Dolly.

Si Dolly naman, aminadong nang unang i-pitch daw sa kaniya ang pelikula, agad itong umoo nang malamang si Kathryn ang gaganap sa karakter na "Philo."

Hindi raw alam ni Kath na maraming natututuhan si Dolly sa kaniya, sa simpleng pag-obserba lamang sa kaniya.

Isa na rito ang pag-anggulo sa camera. Hindi raw kasi teknikal si Dolly pagdating sa mga ganitong bagay, pero si Kathryn daw ay mahusay pagdating dito, bagay na naadapt naman niya.

Same din sa iba pang cast members na hindi nagdalawang-isip na tanggapin ang proyekto nang malamang pangungunahan ito ng dalawang critically-acclaimed artists sa ibang bansa.

Hindi masyadong nagbigay ng detalye ang cast sa kung ano ba ang aasahan at makikita ng audience sa pelikula; basta ang maipapangako raw nila, kakaibang-kakaiba ito hindi lamang kay Kathryn kundi sa mga temang ginagawa ng Star Cinema.

Ito kasi ang comeback movie ni Kathryn matapos ang success ng "Hello, Love, Goodbye" kaya naman nang tanungin siya kung anong bet niyang gawin this time, sinabi niyang sana raw ay medyo "dark" character naman ang gawin niya. Bagay na ginawa naman at ibinigay sa kaniya ng creative team, sa pangunguna ni Carmi Raymundo.

Maayos pa lang kinausap ni Kath ang boyfriend na si Daniel Padilla na kung puwede ay gumawa muna siya ng pelikulang walang katambal. Pumayag naman si DJ.

Sa finale ng mediacon ay live na inunveil nina Kath at Dolly ang official poster ng pelikula, na ipinakita sa live telecast ng "TV Patrol."

Mapapanood na ang "A Very Good Girl" na handog ng 30th anniversary ng Star Cinema sa Setyembre 27, sa mga sinehan nationwide.