Hindi kanselado ang ipinatutupad na number coding scheme sa Biyernes, Agosto 25, sa kabila ng deklarasyon ng Malacañang na walang pasok sa pampublikong paaralan at sa mga tanggapan ng gobyerno dahil sa pagbubukas ng 2023 FIBA Basketball World Cup sa Philippine Arena sa Bulacan.

"Hindi po kami magsu-suspend ng number coding sa August 25 kahit na po ito ay idineklarang holiday. Dahil po sa aming ekperiensiya, kung magde-declare po kami ng suspension ng number coding, dumadami po ang kotse sa lansangan na nagke-create po ng traffic,” pahayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Romando Artes.

Kamakailan, idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na kanselahin muna ang klase sa mga government school at pasok sa gobyerno sa Metro Manila at Bulacan upang bigyang-daan ang nasabing international competition.

Para kanino? Sen. Imee Marcos, naispatan sa Veterans Memorial Medical Center

Paliwanag ng MMDA, ipatutupad din ang truck ban sa Bulacan sa nasabi ring petsa.

Bukod sa Philippine Arena, gaganapin din ang mga laro sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City at sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tatagal ang kompetisyon hanggang Setyembre 10 kung saan kabilang din sa co-host ng Pilipinas ang Japan at Indonesia.