Naging tagumpay ang mga programa ng lokal na pamahalaan ng Maynila para bigyan ng proteksiyon ang mga kabataan ng lungsod.

Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, ang Manila Peace and Order Council  sa pangunguna ng Liga ng mga Barangay na pinamumunuan ng pangulo nito na si  Councilor Lei Lacuna, ay nagtagumpay sa mga isinagawa nitong seryeng ng Mental Health and Child Protection seminars na may temang: "Kapakanan at Kaligtasan ng Kabataan Prayoridad ng Barangayan."

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nabatid na bawat isang barangay sa may 896 na mga barangay sa Maynila ay nagtakda ng dalawang kinatawan para lumahok sa seminars, na idinaos sa San Andres Sports Complex.

Inaasahan naman ng lokal na pamahalaan na magagamit ng mga kalahok ang mga impormasyon na kanilang natutunan upang ibahagi sa kanilang kapwa barangay workers.

Ang seminars ay itinakda kada distrito at isinagawa mula Agosto 18 hanggang 24, 2023 mula 8:00AM hanggang 5:00PM.

Kaugnay nito, binigyang-diin rin ni Lacuna ang kahalagahan ng mga barangay sa paghawak ng mga usapin na nakakaapekto sa mga kabataan, lalo na sa yaong children in conflict with law (CICL).