Viral at nagpaantig sa damdamin ng mga netizen ang Facebook post ng netizen na si "Darlene Labanon," 18 taong gulang mula sa Ocampo, Camarines Sur matapos niyang i-appreciate ang kaniyang inang hindi inalintanang hindi makakain sa isang sikat na inasal restaurant, at makita lang daw siyang kumakain ay busog at masaya na siya.
Ayon sa Facebook post ni Darlene, kagagaling lamang daw nila sa check-up nang mga sandaling iyon nang tanungin daw siya ng kaniyang inang si Dolor "Lulu" Labanon kung gusto raw ba niyang kumain.
Umoo raw si Darlene at pumasok na sila sa inasal restaurant na kilala sa kanilang unlimited rice. Ngunit nang dumating na raw ang order, nagtaka si Darlene dahil siya lamang daw ang kakain at walang inorder ang kaniyang ina.
Para na lamang daw kasi sa kaniya ang inabot ng pera ni Aling Dolor dahil sa pagpapa-check-up niya.
Sabi raw sa kaniya ng ina, "Tubig na lang sa akin, makita lang kitang kumakain busog na ko at masaya na."
Naiyak daw si Darlene nang marinig ang pahayag ng ina.
Dahil sa pagiging viral ng post at marami raw netizens ang kumo-contact ngayon kay Darlene upang magpaabot ng tulong, nag-post naman sa comment section ang nagpakilalang kuya ni Darlene na si Daniel Labanon.
Nilinaw ng kuya na hindi nila intensyong humingi ng tulong sa kahit na sino. Hindi raw iyon ang dahilan kung bakit nag-post ang kapatid ng appreciation post sa kanilang ina. Hindi raw nila akalaing magba-viral ito.
Buong post ni Daniel: "Good Evening, everyone. I hope this comment finds you well. I am one of the brothers of Darlene Labanon (the owner of this post)."
"We are enthralled by the abundance of love, happiness, and kindness you have been pouring since yesterday; we are grateful to witness people being touched by the story my sister shared on this platform. However, I am here to clear some things out;"
"First, my sister posted these photos and the heart-warming message as statements of gratitude for all the sacrifices that my mother has made."
"Second, these photos were taken long ago when my sister had an emergency due to health issues; but she is PERFECTLY FINE now."
"Last, a lot of people are requesting my sister's GCash number in order to send donations (or help). We know that your intentions are good and it is indeed a noble act to help people, but WE WON'T BE ACCEPTING DONATIONS simply because we are not asking for help- this post is only for appreciation, not for seeking help from anyone."
"Your offerings are highly appreciated and may God bless all of you– whose intent is purely manifested by your acts of kindness."
"We hope that we made ourselves clear to everyone. May we spread love and positivity to each other every day. Thank you very much."
Sa panayam ng Balita kay Darlene, sinabi nitong may hearing problem siya kaya sila nagtutungo sa clinic upang magpa-check up.
Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:
"A Mother's Love. Walang katumbas."
"Ganyan lahat ng nanay. Will always do everything to make you happy."
"Nakaka-touch naman... naalala ko nanay ko."
"Ganyan din ginagawa ko sa anak ko noong walang wala kami burger steak lang masaya na sila. Ako hihingi lang ako ng tubig sa Jollibee."
Habang isinusulat ito ay umabot na sa 13k reactions at 4.8k shares ang nabanggit na post.
---
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!